Skip to Main Content
Start Main Content

Pagpapalago

Sentrong Mapagkukunan sa Green Education

Ang Kagawaran ng Mga Serbisyo sa Paglilibang at Kultura (LCSD) ay nagtatag ng isang green education at resource centre sa Parke ng Kowloon upang itaguyod ang pagpapalago at pataasin ang kamalayan ng publiko sa pagpapalago at pangangalaga sa kapaligiran. Nagbibigay din ito ng lugar para sa publiko upang lumahok sa mga aktibidad ng pagpapalago na makakatulong sa kanila na maunawaan at maranasan ang kahalagahan ng pagpapalago at pangangalaga sa kapaligiran.

Mga Oras Ng Pagbubukas

9:30 am hanggang 5 pm, Martes hanggang Linggo
Sarado tuwing Lunes at sa unang dalawang araw ng Bagong Taon ng Tsino

Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.

 

Programa sa Pangkomunidad na Paghahalaman

Inilunsad ng LCSD ang "Programa sa Pangkomunidad na Paghahalaman" noong Pebrero 2004 upang magtayo ng mga taniman sa mga napiling parke at lugar ng LCSD sa buong teritoryo. Sa ilalim ng gabay ng mga kwalipikadong instruktor, maaaring matutunan ng mga kalahok kung paano magtanim ng mga ornamental na halaman, prutas, at gulay sa mga parke o lugar na malapit at maiuwi ang ani upang ibahagi sa iba.

Ang programa ay naglalayong hikayatin ang publiko na lumahok sa mga aktibidad ng pagpapalago sa antas ng komunidad at gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang mga aktibidad ng pagpapalago. Layunin din nitong mapataas ang kamalayan ng publiko sa pagpapalago at pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng paglahok sa mga aktibidad ng paghahalaman.

Ang 18-linggong programa ay isasagawa sa anyo ng kurso sa paghahalaman at praktis ng pagtatanim. Bukod sa pagdalo sa kurso sa paghahalaman tuwing Sabado o Linggo, ang bawat kalahok ay bibigyan ng isang maliit na taniman na may sukat na humigit-kumulang 2.25 m2 upang isagawa ang mga natutunang teknikal mula sa kurso sa paghahalaman. Ang bawat kalahok ay maaaring magdala ng hindi hihigit sa apat na kaibigan o kamag-anak ("Subsidiaryong Miyembro") para sa mga aktibidad ng paghahalaman.

Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.

 

Palabas ng Bulaklak ng Hong Kong

Mula noong 2000, ang LCSD ay nagsasagawa ng taunang Palabas ng Bulaklak ng Hong Kong sa Parke ng Victoria. Ang palabas ay isang highlight sa lokal na kalendaryo ng hortikultura. Nagbibigay ito ng magandang pagkakataon para sa daan-daang libong lokal na mamamayan at mga mahilig sa halaman mula sa buong mundo upang pahalagahan ang kagandahan ng mga bulaklak at ibahagi ang kanilang karanasan sa hortikultura.

Sa panahon ng palabas, iba't ibang mga pang-edukasyon at libangan na aktibidad ang inorganisa para sa mga bisita kasama ang mga paligsahan sa pagguhit ng mga estudyante, paligsahan sa pagkuha ng litrato, paligsahan ng mga exhibit ng halaman, mga pagtatanghal ng musika at kultura, mga demonstrasyon ng floral art, mga workshop sa mga aktibidad ng pagpapalago, mga guided visits, mga programang pang-recreation, at mga laro para sa magulang at anak, atbp.

Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.

 

Pamumukadkad Sa Buong Bayan

Ang link na ibinigay sa www.lcsd.gov.hk/en/green/blossoms.html ay ipinakikilala ang mga namumulaklak na puno na karaniwang nakikita sa mga lugar ng LCSDat ang mga magagandang lugar na pagmasdan.

 

Pagpapahalaga sa Bulaklak

Mayroong higit sa 1600 na mga parke at hardin sa ilalim ng pamamahala ng LCSD sa buong Hong Kong. Sa buong taon, ang mga parke at hardin na ito ay tampok ang mga berdeng halaman at pana-panahong pamumulaklak na umaakit sa maraming tao upang kumuha ng mga litrato sa panahon ng pamumulaklak. Sa kabila ng iba't ibang mga halaman na namumulaklak, may ilang mga species na tanyag sa mga bisita. Upang mapadali ang pagpapahalaga ng publiko sa mga bulaklak sa tamang panahon, maglalagay kami ng impormasyon sa website na ito tungkol sa mga paboritong species kabilang ang Red Leaves, Purple Tabebuia, Cherry Blossoms, Yellow Pui, Camel's Foot Tree, Rhododendron, Lotus Flower, Queen Crape Myrtle, at Hong Kong Orchid Tree.

Para sa mga detalye, mangyaring mag-klik dito*.

 

Flower Ekspres

Ang mga lingguhang pag-update sa mga bulaklak at halaman ay available sa "LCSD Plusss" Facebook page, na maaari ring ma-access sa www.fa.gov.hk/en/videos.html.

 

Pagpapahalaga Sa Mga Bulaklak 101

UPara sa mga detalye ng pagpapahalaga sa mga bulaklak 101, mangyaring mag-klik dito*.

 

Photo-Gallery ng Pandekorasyong Halaman ng Hong Kong

Mga puno

Ang homepage sa www.lcsd.gov.hk/en/green/education/greeningknowledge/plantphoto/tree_listing.html?type=family ay binubuo ng 70 iba't ibang species (na kabilang sa 33 na mga pamilya).

Mga palumpong

Ang homepage sa www.lcsd.gov.hk/en/green/education/greeningknowledge/plantphoto/shrub_listing.html?type=family ay binubuo ng 50 iba't ibang species (na kabilang sa 26 na mga pamilya).

Ang bersyong Tagalog ay naglalaman lamang ng piniling pangunahing impormasyon. Maaari mong ma-akses ang buong nilalaman ng aming website sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino.