Skip to Main Content
Start Main Content

Serbisyo ng Aklatan

Ang Pampublikong Aklatan ng Hong Kong ay nagbibigay ng network ng permanenteng aklatan, mobile na aklatan at istasyon ng aklatang pangsariling-serbisyo. Sila ay pantay pantay na nakakalat sa teritoryo ng Hong Kong at pinag-uugnay ng pinagsamasamang sistema ng automatikong aklatan upang makapagbigay ng madaling paraang makagamit ng malawak na serbisyo ng aklatan para sa tao sa lahat ng pangkat ng edad at mga lakad sa buhay. Kasama sa koleksyon ng aklatan ang mga libro, audio-visual na materyales, pahayagan, mga peryodiko, mga database ng CD-ROM, microforms, mapa, at mga mapagkukunang elektroniko. Ilan sa mga materyales ng aklatang ito ay maaaring mahiram habang ang iba ay magagamit lamang sa aklatan.

Maaari mong ma-access ang buong nilalaman tungkol sa sumusunod na impormasyon sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:

Serbisyo ng Akalatan
https://www.hkpl.gov.hk/sc/index.html

Lokasyon at oras sa pagbubukas ng aklatan
https://www.hkpl.gov.hk/sc/locations/libraries.html

 

1. Serbisyo sa Pagpapahiram

Kard ng Aklatan at Materyales ng Paghiram sa Aklatan

Ang may hawak sa balidong kard ng aklatan na ibinigay ng Pampublikong Aklatan ng Hong Kong, kard ng pagkakakilanlan ay pinapayagan para gamitin lamang sa aklatan, o ang kard ng aklatan/ kard na panghiram na ibinigay ng dalawang dating Pampublikong Aklatan ng Konseho ng Munisipyo ay maaaring manghiram at ibalik ang materyales ng aklatan sa alinmang pampublikong aklatan at istasyon ng aklatang pangsariling serbisyo. Ang mga mambabasa ay pinapayagang gumamit sa serbisyo ng book drop sa Pampublikong Aklatan ng Hong Kong (kasama ang serbisyo at nakatalagang istasyon ng MTR) para ibalik ang materyales ng aklatan. Ang kard ng aklatan ay hindi ipinapahiram o ipinapasa.

Ang bawat nakarehistrong mambabasa ay maaaring humiram ng materyales sa aklatan kasama ang ibang materyales ng aklatan, o mga lumang peryodiko. Ang mga materyales ng Aklatan sa paghiram ay maaaring hiramin sa nakatalagang panahon. Ang multa para sa lagpas sa nakatakdang araw ng pagbalik ay may tiyak na presyo ay ipapataw sa bawat bagay na hiniram at mga kasamang materyales ng aklatan na ibinalik ng huli na.

Kapag ang anumang hiniram na materyales sa aklatan ay nawala o nasira, ang humiram ay maaaring managot ng pagbabayad sa Pamahalaan ng halaga ng perang ikokonsidera ng katiwala ng aklatan na sapat para palitan ang nasabing materyales ng aklatan o ang buong set ng materyales ng aklatan kung saan nanggaling ang nasabing materyales. Bilang karagdagan, ang humiram ay maaaring pagbayarin ng karagdagang singil na nagkakahalaga sa nakatalagang porsyento ng bayarin.

Serbisyo ng Pagrereserba

Ang bawat rehistradong mambabasa ay maaaring magpareserba ng materyales ng aklatan ng may tukoy na kabayaran sa bawat bagay (o ang umiiral na balidong bayad sa pagrereserba sa oras ng paniningil). Sa oras na ang isang bagay ay matagumpay na naireserba, ang mambabasang gumawa ng pagrereserba ay kinakailangang magbayad ng kabayaran sa pagrereserba makuha man nya ang bagay o hindi.

Maaari mong makita ang buong nilalaman tungkol sa serbisyo ng pagpapahiram sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://www.hkpl.gov.hk/sc/about-us/services/lending/library-materials.html

 

2. Koleksyon ng Aklatan

Ang Pampublikong Aklatan ng Hong Kong ay mayroong malawak na koleksyon sa materyales ng aklatan, kabilang ang mga libro, materyales na hindi nakalimbag hal. materyales na audio-visual at e-books. Bukod pa rito, ang Pampublikong Aklatan ng Hong Kong ay naka-subscribe sa iba’t ibang mga e-database at mga pahayagan at peryodiko. Ang ilan sa mga e-database ay makukuha ng mga may hawak sa kard ng aklatan nang remote sa pamamagitan ng Internet.

Habang ang pahayagan at peryodiko ay karaniwang nasa Tsino at Ingles, ang Pampublikong Aklatan ng Hong Kong ay naka-subscribe din sa mga pahayagan at peryodiko sa iba pang mga wika, kabilang na ang Nepali, Bahasa Indonesia, Hindi, Urdu, Tagalog at Thai, upang makapagbigay sa mambabasa mula sa ibang lahi ng pinakabagong impormasyon sa kasalukuyan at mga isyung pang ekonomiya at paglilibang. Ang naturang pahayagan at peryodiko ay madalas nakatago sa Sentral na Aklatan ng Hong Kong at ilan sa mga pangunahin o purok aklatan.

Upang mapadali para sa mga mag aaral na hindi nagsasalita ng Tsino ang matuto ng Tsino bilang kanilang pangalawa o pangatlong wika, ang Pampublikong Aklatan ng Hong Kong ay kumukuha rin ng mga librong nakasulat sa simpleng Tsino, pati na rin ang mga kaugnay na bilingual na pagbasa at kit sa pag-aaral ng wika, upang masanay sila sa pinaka-karaniwang lokal na pananalita sa pamamagitan ng ekstrakurikular na pagbabasa, sa gayon ay progresibong mapalakas ang kanilang abilidad sa apat na aspeto, na pinangalanang pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagsasalita.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa koleksyon ng aklatan sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://www.hkpl.gov.hk/sc/about-us/collection-develop/collections.html

 

3. Pasilidad ng Kompyuter

Ang Pampublikong Aklatan ng Hong Kong ay mayroon mga pasilidad sa kompyuter upang makuha ng publiko ang mga multimedia at digitized na sanggunian, katalogo ng aklatan, e-books, at mga online databases at magbrowse sa Internet. Ang mga karaniwang ginagamit na software tulad ng Microsoft Office suite, na may aplikasyon para sa pagproseso ng word, spreadsheet, database, at presentation, gayundin ang aplikasyon ng software kasama na ang Adobe desktop apps para sa web authoring, pag-edit ng litrato, pagguhit at grapikong pagdisenyo ay makikita sa ilang mga kompyuter. Ang mga kwalipikadong gumamit nito ay maaaring gumawa ng maagang pagrereserba ng paggamit sa pasilidad ng kompyuter.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa pasilidad ng kompyuter sa Ingles, Tradisyonal na Tsino o Pinasimpleng Tsino:https://www.hkpl.gov.hk/sc/about-us/services/computer/computer-centre-area.html

 

4. Pagpapahaba sa Aktibidad

Ang pagpapahaba ng aktibidad ay bumubuo ng isang mahalang bahagi sa serbisyo ng aklatan. Ang programang pang-edukasyon at libangan tulad ng mga programa sa pagbasa, pagkukwento sa mga bata, pagtatanghal ng aklat, eksibisyon at pagtalakay ng paksa na binuo sa buong taon sa aklatan ay nagbigay tulong upang isulong ang paggamit sa pasilidad ng aklatan, maitanim sa isipan ang pagbabasa sa habang-buhay at mapaghusay ang pagtanggap ng publiko sa kahalagahan ng libreng access sa napapanahong impormasyon. Ang mga aklatan ay gumaganap din ng aktibong papel sa pagsulong ng sining ng panitikan sa Hong Kong. Ang mga parangal at paligsahan sa panitikan, at ang malawak na aktibidad sa panitikan ay regular na inoorganisa.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa pagpapahaba ng aktibidad sa Ingles, Tradisyonal na Tsino, o Pinasimpleng Tsino : https://www.hkpl.gov.hk/sc/extension-activities/highlights/this-week