Skip to Main Content
Start Main Content

Mga Lugar ng Pagtatanghal at e-APS

Ang Departamento ng Serbisyo ng Paglilibang at Kultura (The Leisure and Cultural Services Department (LCSD)) ay may iba’t ibang mga lugar ng pagtatanghal, na angkop para sa maraming pagtatanghal at mga kaganapan. Ang booking para sa mga lugar at kabayaran sa singil ng upa ay maaaring gawin sa pamamagitan ng e-APS (LCSD Performance Venues e-Application & payment Services) (LCSD Mga Lugar Pagtatanghal e-Aplikasyon & Serbisyo ng Pagbabayad) sa internet.

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa e-APS sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino :https://eaps.lcsd.gov.hk/ccms_eaps/LCSD/main.zul?lang=HK

 

 

(A) Mga Bagong Teritoryo

 

1. Teatro ng Kwai Tsing

Ang Pagbubukas sa teatro ng Kwai Tsing noong Nobyembre 1999 ay isang milyahe ng pagbabago sa sining ng pagganap sa Hong Kong. Sa paglipas ng mga taon, Ang Teatro ay nakapagbigay ng suportang may kalidad sa karamihang lokal at bumibisitang produksyon ng entablado sa mga kagila gilalas na kasiyahan ng manonood.

Ang Auditorium ng Teatro ay may gamit para magsilbi sa lahat ng klase ng pagtatanghal. Ang Teatro na Black Box ay ang kauna unahang klaseng sa mga pasilidad ng LCSD sa sining ng pagganap na naka disenyo upang matugunan ang lumalaking pangangailngan ng mga maliliit at eksperimentong produksyon. Kabilang sa ibang pasilidad upang maibigay ang pangangailangan ng ibang aktibidad ng sining ang Silid ng Panayam, Studio ng Pagsayaw at Silid Pag-eensayo habang ang Liwasan ay nag-aalok ng Espasyong pahingahan para sa abalang buhay ng lungsod.

Sa kabila ng sari-saring pasilidad, Ang Teatro ng Kwai Tsing ay ipinagmamalaki ang kanilang pangunahing lokasyon at napakahusay na koneksyon ng transportasyon. Ito ay isang perpektong lugar para sa produksyon ng magkakaibang klase at patuloy na gaganap ng isang mahalagang papel para sa lokal na kulturang kaganapan.

Lokasyon
12 Hing Ning Road, Kwai Chung, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/ktt/

 

2. Bulwagan ng Bayan sa Hilagang Distrito

Ang Bulwagan ng Bayan sa Hilagang Distrito ay opisyal na binuksan noong Pebrero 1982. Matatagpuan sa sentro ng Sheung Shui katabi ng estasyon ng MTR, ang Bulwagan ng Bayan ay binubuo ng Auditorium at dalawang Kwarto ng Pagtitipon, na angkop para sa pagbuo ng sining at kulturang pagtatanghal, seremonya, eksibisyon, kumperensya, seminar, pagtanggap at mga pagsasanay.

Lokasyon
2 Lung Wan Street, Sheung Shui, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/ndth/

 

3. Bulwagan ng Bayan ng Sha Tin

Ang Bulwagan ng Bayan ng Sha Tin ay isang maginhawa at may kagamitang lugar ng pagtatanghal na may pinagsamang mga pasilidad, na nagbibigay sa tao ng pagkakataon upang matuwa sa kultura at sining, at naging palatandaan ng kultura sa Bagong Teritoryo ng Silangan. Maging ito man ay para sa sayaw, drama, aktibidad sa musika, eksibisyon, o komperensya, ang Bulwagang Bayan ay nagbibigay ng kumpletong hanay sa pagtatanghal at pasilidad ng eksibisyon. Ito ay binubuo ng tatlong pangunahing pasilidad: Ang Auditorium, Kultural na Tanghalang pang-aktibidad, Galeriya ng Eksibisyon, at ibang pang mga maliliit at pantulong na pasilidad. Simula ng pagbubukas nito noong Enero 1987, ang Bulwagan ng Bayan ay sumagisag sa pangako ng departamento sa sining, at ang kanilang suporta sa lokal na sining at kultura, at ang dedikasyon ng pagpapayaman sa kulturang karanasan ng komunidad. Ang Bulwagang Bayan ay masinsinan ding nagtrabaho kasama ang mga kasosyo sa lugar, grupo ng sining, at gayundin ang lokal at artista sa ibang bansa, na nagtatanghal sa malawak na hanay ng kultural na programa at magtatag ng pangalan para sa iba’t ibang programa.

Lokasyon
1 Yuen Wo Road, Sha Tin, New Territories

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/stth

 

4. Sentrong Sibiko ng Tai Po

Nasa sentro sa bayan ng Tai Po, ang Sentrong Sibiko ng Tai Po ay nagbibigay sa lokal na komunidad ng iba’t ibang kultural na serbisyo simula ng buksan ito noong Setyembre 1985. Ito ay mayroong iba’t ibang pasilidad, kabilang na ang auditorium, ang black box theatre at silid pagtitipon, kung saan ang bawat indibidwal at organisasyon mula sa ibang sektor ay maaaring mag book para magsagawa ng ibat ibang klase ng kultura at libangan.

Lokasyon
12 On Pong Road, Tai Po, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/tpcc/

 

5. Bulwagang Bayan ng Tsuen Wan

Ang Bulwagang Bayan ng Tsuen Wan ay pinasinayan noong 1980. Minarkahan ito bilang ang unang lugar pagtatanghal sa New Territories. Ang Bulwagang Bayan ay may kumpletong pinagsamang pasilidad, kabilang na ang Auditorium kung saan ay sapat ito para sa malawak na saklaw ng pagtatanghal habang ang Bulwagan sa Kultural na Aktibidad na syang pinakamainam para sa maliliit na palabas sa entablado at pagsasala. Sa isang banda, Ang Eksibisyon ng Galerya, Silid Panayam at Silid pangkomperensya ay angkop para sa eksibisyon, komperensya, pagtanggap, klase ng pagsasanay, atbp.

Ang Bulwagang Bayan ng Tsuen Wan ay madaling mapuntahan sa pamamagitan ng mahusay na pampublikong sistema ng transportasyon, kabilang na ang ang Tsuen Wan at Tsuen Wan Kanlurang istasyon ng MTR na katabi nito. Upang makaagapay sa mabilis na paglago ng Tsuen Wan, Ang Bulwagang Bayan ay patuloy na pinapaganda ang pasilidad at serbisyo para sa mga bisita sa lahat ng edad at mga taong may kapansanan. Bilang hotspot ng aktibidad sa sining ng distrito, Ang Bulwagang Bayan ng Tsuen Wan ay patuloy na magbibigay ng mabisa at mataas na kalidad ng serbisyo sa publiko.

Lokasyon
72 Tai Ho Road, Tsuen Wan, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/twth/

 

6. Bulwagang Bayan ng Tuen Mun

Ang Bulwagang Bayan ng Tuen Mun ay may maayos na gamit sa pasikot sikot na kulturang pinamamahalaan ng departamento. Nasa loob nito ang Auditorium, Bulwagan ng Kulturang Aktibidad, Galeriya ng Eksibisyon, at iba pang pantulong na pasilidad. Madaling matatagpuan sa puso ng Tuen Mun at epektibong serbisyo ng motorway network na nakaugnay sa lahat ng parte ng distrito gayundin ang Yuen Long, Tsuen Wan, at Kowloon, ang Bulwagang Bayan ay ang sentro para sa kulturang aktibidad at pagtatanghal sa sining ng Hilagang Kanluran ng mga Bagong Teritoryo mula ng ito’y buksan noong mayo 1987. Upang makaagapay sa mabilis na pagbabago ng Tuen Mun, Ang Bulwagang Bayan ay patuloy na pinapaganda ang pasilidad, pinapabuti ang serbisyo at itinutuon ang sarili upang isulong ang kultural na aktibidad sa rehiyon, may pananaw na dadalhin sa lokal na komunidad isang makulay at kultural na kapaligiran.

Lokasyon
3 Tuen Hi Road, Tuen Mun, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/tmth/

 

7. Teatro ng Yuen Long

Ang Teatro ng Yuen Long ay binuksan noong Mayo 2000. Ang makabagong lugar ng pagtatanghal sa sining na ito ay naging sentro para sa sining ng rehiyon sa hilagang Kanluran ng mga Bagong Teritoryo.

Ang Teatro ay nakatayo sa Yuen Long Tai Yuk Road sa paligid ng Yuen Long Park, Yuen Long Stadium at ang Pampublikong Swimming Pool. Ang bakuran ng kawayan ay nakatutok sa pasukan, na nakagagawa ng kapaligirang tahimik at payapa.

Ang Teatro ay naglalaman ng Auditorium, studio sa pagsayaw, silid pag-eensayo, silid panayam, silid pagtitipon at isang sulok ng eksibisyon, nagbibigay ng mabuti at iba-ibang pasilidad upang matugunan ang pangangailangan ng gagamit sa lugar para sa malawak na aktibidad ng kultura at aliwan.

Lokasyon
9 Yuen Long Tai Yuk Road, New Territories, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/ylt/

 

 

(B) Hong Kong & Kowloon

 

1. Munisipyo ng Hong Kong

Binuksan noong 1962, Ang Munisipyo ng Hong Kong ang unang kumplikadong kultura na maraming layunin na itinayo para sa komunidad ng Hong Kong. Ang Munisipyo, kung saan ay idineklarang monumento noong 2022, ay naglalaman ng bulwagan ng konsyerto, teatro, bulwagang eksibisyon, bulwagang pagsasalaysay, galeriya ng eksibisyon at silid komite, na nagbibigay ng iba’t ibang pasilidad upang mapunan ang pangangailangan ng mga gumagamit ng lugar para sa malawak na aktibidad ng kultura at libangan.

Lokasyon
5 Edinburgh Place, Central, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/hkch/

 

2. Hong Kong Coliseum

Simula nung opisyal na pagbubukas noong ika 27 ng Abril 1983, Ang Hong Kong Coliseum (HKC) ay naitatag ang sarili bilang isa sa pinaka popular na indoor stadium na maraming layunin sa Hong Kong para sa mga kaganapang pang internasyunal na palakasan, kagilagilalas na programang pang libangan, pop concerts at mga kapulungan.

May korteng tulad ng nakabaligtad na pyramid, Ang Coliseum ay isa sa kapansin pansing palatandaan sa unahang tubigan ng Hong Kong. Ang kahanga hangang disenyo ay ginawa mula sa itaas ng bubong pababa kung saan ay nakagawa ng pinakamataas na malayang hanay na lugar, nagbibigay ng walang hadlang na pagtanaw sa arena. Ang plasa, yakap ang Coliseum, ay ideal na pasilidad para sa pagsasagawa ng eksibisyon, perya, pagtanggap at ibang panglabas na gawain upang mapuno ang kaganapan sa loob ng arena.

Katabi ng istasyon ng MTR sa Hung Hom, ang lugar ay madaling mapupuntahan sa pamamagitan ng tren at iba pang pampublikong transportasyon. Simula magbukas ito, ang sikat na Coliseum ay tumayong host sa maraming lokal at internasyunal na kumperensya, pagtatanghal at kaganapan. Ang Coliseum ay ipinagmamalaki ng mga tao sa Hong Kong, epektibong nakakatugon sa kanilang pangangailangan para sa pandaigdigang klase ng indoor stadium na makapagsisilbi sa internasyunal at lokal na kaganapan.

Lokasyon
9 Cheong Wan Road, Hung Hom, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/hkc/

 

3. Sentrong Pang Kultura ng Hong Kong

Binuksan noong 1989, Ang Sentrong Pangkultura ng Hong Kong (Hong Kong Cultural Centre (HKCC)) na nakatayo malapit sa Star Ferry Pier at ang Dating Kowloon-Canton Railway Clock Tower sa Tsim Sha Tsui ay isa sa mga pangunahing lugar na pinagtatanghalan ng kultura sa Hong Kong.

Ang HKCC ay binubuo ng Gusali ng Auditoria, Gusali ng Administrasyon, Bloke ng Restawran at Plasa. Ang tatlong pangunahing lugar na pinagtatanghalan sa Gusali ng Auditoria, pinangalanang Bulwagan ng Konsierto, Engrandeng Teatro, at ang Teatro ng Studyo, magsisilbi sa malawak na sakop ng musika, sayaw at teatrikong pagtatanghal sa parehong tradisyonal at makabagong gawain. Bilang karagdagan sa pangunahing yugto, ang HKCC ay nagbibigay rin ng lugar para sa visual arts display, silid para sa pag-eensayo at pagsasanay, gayundin ang silid para sa pagpupulong at mga seminar. Kasama ang mga shops na gumagawa ng sining at mga outlet, ang HKCC ay nagbibigay ng magkakaibang hanay ng serbisyo para sa aming mga bisita at tagatangkilik. Matatagpuan sa harap ng katubigan ng Tsim Sha Tsui at nagyayabang sa nakamamanghang tanawin ng Victoria Harbour, Ang Plasa ng HKCC ay isang perpektong lugar para sa malaking panlabas na kaganapan.

Lokasyon
10 Salisbury Road, Tsim Sha Tsui, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.hkculturalcentre.gov.hk/

 

4. Teatro ng Ko Shan

Ang Teatro ng Ko Shan (KST) ay unang binuksan noong 1983 at dinisenyo bilang teatrong semi-open air. Pagkatapos maaprubahan ang proyektong pagpapahusay noong 1994, ang inayos na Teatro ng Ko Shan ay muling binuksan noong Oktubre 1996. Ang dating amphitheatre ay giniba at muling ginawa na may air-condition na bloke ng foyer na pasilidad para sa pag-eensayo, silid ng komite at URBTIX box office.

Nagbukas noong Oktubre 2014, ang 5 palapag na Teatro ng Ko Shan New Wing (NW) binubuo ng auditorium, galeriya ng eksibisyon, at maliit na pasilidad. Ang disenyo at plano ng NW ay iniaalay sa mga pagtatanghal na mga opera sa Cantonese, kasama ang malawag na leg room sa pagitan ng mga silya sa loob ng auditorium upang madaling ma access ng mga matatanda, sapat na lugar para sa mga baul ng kasuotan sa likod ng entablado. Ang auditorium sa New Wing kasama ng kasalukuyang teatro at mas mapaganda ang pagganap sa Teatro ng Ko Shan bilang nakalaang lugar para sa Cantonese opera na may paghahanda at tulong pasilidad para sa pagtatanghal, pag-eensayo at pagsasanay mula sa matatag at umuusbong na artista ng Cantonese opera.

Bilang karagdagan, ang Edukasyon ng Cantonese Opera at Sentro ng Impormasyon (Cantonese Opera Education and Information Centre (COEIC)) ay matatagpuan sa 3/F, Teatro ng Ko Shan New Wing. Ang Sentro ay nagpapatrabaho ng makabagong teknolohiya, kabilang na ang higanteng telebisyon at multimedia projectors, upang maiprisinta ang digitised at interactive na pinagkukunan ng Cantonese opera. Ang Sentro ay bukas, libre sa publiko sa pag-asam ng mas maraming mag-aaral, guro, teenagers at kabataang artista na makikinabang sa aktuwal na pagkalantad sa Cantonese opera at malalim na karunungan sa sining.

Lokasyon
77 Ko Shan Road, Hung Hom, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/kst/

 

5. Sentrong Sibiko ng Ngau Chi Wan

Ang Sentrong Sibiko ng Ngau Chi Wan ay madaling matatagpuan sa puso ng Silangang Kowloon, nagbibigay ng kalidad at sari-saring pasilidad para sa malawak na aktibidad sa kultura at iba pang pagtatanghal simula ng buksan ito noong ika-23 ng Abril 1987. Dala ang misyong payamanin ang kabuhayan ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming serbisyo ng mga propesyunal at makabagong pasilidad, ang Sentro ay sumailalim sa malaking pagbabago noong 2002. Noong unang bahagi ng 2004, Ang Bulwagang Pang-eksibisyon ay ginawang multi-purpose na Bulwagan ng mga Aktibidad sa Kultura upang maibigay ang pangangailangan ng komunidad.

Ang Sentrong Sibiko ng Ngau Chi Wan ay binubuo ng Teatro, Bulwagan ng mga Aktibidad sa Kultura at pangtulong na pasilidad tulad ng Silid Panayam, Studyo ng Sining, Silid sa Pagsasanay ng Sayaw at Silid sa Pagsasanay ng Musika. Sa pamamagitan ng mainam nitong lokasyon, at mga bagong ayos na pasilidad at ang aming mga propesyunal at serbisyong nakatuon sa parokyano, ito ay magiging isang magandang pagpipilian para sa pag oorganisa ng pagdiriwang.

Lokasyon
2/F & 3/F, Ngau Chi Wan Municipal Services Building, 11 Clear Water Bay Road, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/ncwcc/

 

6. Queen Elizabeth Stadium

Binuksan noong 1980, ang Queen Elizabeth Stadium (ang “Stadium”) ay ang pangunahing lugar na may iba’t ibang layunin na matatagpuan sa puso ng Wan Chai na nagbibigay sa publiko ng pagkakataong makita at makasali sa palakasan, libangan at kultura, lahat sa iisang bubong.

Bukod sa isang arena, ang Stadium ay mayroong reception lobby, pahingahan ng VIP, bulwagan na may iba’t ibang layunin, silid pagtitipon, silid komite, tatlong squash courts at lugar sa paglalaro ng table -tennis.

Lokasyon
18 Oi Kwan Road, Wan Chai, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/qes/

 

7. Sentrong Sibiko ng Sai Wan Ho

Ang Sentrong Sibiko ng Sai Wan Ho ay nakatayo sa ibabaw ng istasyon ng MTR sa Sai Wan Ho at madaling mapuntahan sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon. Ang Sentro ay may maayos na kagamitan na may pinagsamang pasilidad, kasama ang Teatro, Bulwagan ng mga Aktibidad sa Kultura, Studyo para sa Sining at Silid para sa pagsasanay sa Musika para sa iba’t ibang lawak ng aktibidad. Simula magbukas ito noong Disyembre 1990, ang Sentro ay nagbibigay ng lugar at pasilidad para sa mga tao sa Silangan ng Hong Kong gayundin ang sektor ng komunidad na magtanghal ng sining sa kultura at serbisyo ng sining sa komunidad.

Lokasyon
G/F, 111 Shau Kei Wan Road, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/swhcc/

 

8. Sentro ng Sibiko ng Sheung Wan

Ang Sentro ng Sibiko sa Sheung Wan (Sheung Wan Civic Centre )(SWCC) ay nakatayo sa ika 4 hanggang ika 7 palapag sa Gusali ng Serbisyo ng Munisipyo sa Sheung Wan. Madali itong makikita at maaaring mapuntahan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng pampublikong transportasyon. Mula magbukas ito noong Disyembre 1988, ang SWCC ay nagbibigay ng iba’t ibang mahalagang pasilidad pang tulong na maaaring rentahan ng publiko upang mag organisa ng malawak na aktibidad sa kultura at ibang pagtitipon.

Mahalaga at pangtulong na pasilidad sa pag-upa ng SWCC ay nakatayo sa ika 4 hanggang sa ika 7 palapag:
4/F: Studyo ng Sining at Silid sa Pag-eensayo ng Musika
5/F: Teatro at Bulwagan ng Panayam
6/F : Bulwagan ng Eksibisyon
7/F: Bulwagan para sa Pag-eensyo at Silid sa Pagsasanay ng Sayaw

Lokasyon
4-7/F, Sheung Wan Municipal Services Building, 345 Queen’s Road Central, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/swcc/

 

9. Teatro ng Yau Ma Tei

Ang Teatro ng Yau Ma Tei ay may napapaloob na auditorium, entablado na may orkestra, silid bihisan, silid ng kontrol para sa tunog at ilaw, foyer at box office. Kasama ang silid pagtitipon, ito ay akma para sa pagsasagawa ng Tsinong opera at kaugnay na aktibidad.

Ang Cantonese opera ay sagisag ng lokal na kultura. Para sa pangangalaga, promosyon at pag-unlad ng Cantonese opera, Ang Teatro ng Yau Ma Tei at ang Gusali ng Red Brick, parehong may markang gusali ng kasaysayan, muling pinasigla bilang teritoryong may malawak na lugar sa pagtatanghal ng sining na pinangalanang Teatro ng Yau Ma Tei. Ito ay opisyal na binuksan noong ika 17 ng Hulyo 2012, na inilaan para sa pagsusulong ng aktibidad sa Chinese opera, partikular na ang Chinese opera. Ang lugar ay may kagamitang pasilidad para sa pagtatanghal at pag-eensayo upang mahikayat at masuportahan ang pagsibol at pasikat na mga tropa ng Cantonese opera. Sa pamamagitan ng pagpapatupad sa Iskema ng Venue Partnership, tumutulong itong isulong ang lugar bilang sikat na lugar ng pagsasanay at pagtatanghal gayundin ang maging duyan para sa pag-aalaga ng mga talento ng Cantonese opera.

Lokasyon
6 Waterloo Road, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.lcsd.gov.hk/ymtt/

 

10. Sentro para sa Kultura ng Silangang Kowloon

Ang Sentro para sa Kultura ng Silangang Kowloon (East Kowloon Cultural Centre o EKCC) ay isang lugar para sa isinulong na kultura at sining na pinagsasama ang sining at teknolohiya, at isang lugar upang linangin ang mga nagsasananay ng sining at mga propesyunal ng teknolohiya na masuri at magsubok ng mga bagong likha ng sining at teknolohiya.

Makikita sa pagitan ng Daanang Kwun Tong at ng Daanang Ngau Tau Kok, ang EKCC ay nakarugtong sa Istasyon ng MTR ng Kowloon Bay na may natatakpang daanan ng mga tao at maaari ring mapuntahan sa pamamagitan ng iba’t ibang ruta ng mga bus at minibus.

Kabilang sa mga pangunahin at mababang pasilidad ng EKCC ang Bulwagan (Hall), Teatro (Theatre), Turns, Beats, and Lab at mga Incubator.

Lokasyon
60 Ngau Tau Kok Road, Kowloon, Hong Kong

Maaari mong mabasa ang buong nilalaman tungkol sa lugar sa Ingles, Tradisyunal na Tsino o Pinasimpleng Tsino: https://www.ekcc.hk/